Batay sa impormasyon ng Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa 78 kilometers Northwest ng nasabing bayan bandang 12:31 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 15 kilometers.
Samantala, yumanig naman ang magnitude 3.6 na lindol sa 91 kilometers Northwest ng Palauig bandang 1:33 ng hapon.
20 kilometers ang lalim ng lindol.
Kapwa naman tectonic ang dahilan ng dalawang pagyanig.
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES