Usec. na nasangkot sa cellphone snatching controversy, inilipat ni Pangulong Duterte PLLO

Inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte ng puwesto si Labor Undersecretary Jacinto Jing Paras bilang undersecretary ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).

Ito ay base sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong January 8.

Ayon kay Paras, itinalaga siya ng pangulo sa PLLO para tulungan si Secretary Adelino Sitoy dahil sa dami ng panukalang batas na na-veto.

Paliwanag ni Paras, malawak ang kanyang karanasan sa pagiging liaison officer lalot tatlong termino siyang nanungkulan bilang kongresista.

Naging kontrobersiyal si Paras matapos sampahan ng kasong pagnanakaw ng cellphone ni Akbayan Representative Tom Villarin habang nasa congressional hearing sa Kamara noong Marso ng nakaraang taon.

Base sa reklamo ni Villarin, nakita sa CCTV na kinuha ni Paras ang kanyang cellphone na iPhone 10 na nagkakahalaga ng P74,000.

January 2018 nang italaga ng pangulo si Paras bilang undersecretary ng DOLE.

Read more...