Pangulong Duterte, magbibigay ng P50-M ayuda sa LGUs sa Batangas

May karagdagang ayuda si Pangulong Rodrigo Duterte sa local government unit (LGU) sa Batangas para matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, P10 milyon ang ibibigay ng pangulo para sa probinsya ng Batangas.

Makatatanggap naman ng tig-P5 milyong ayuda ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas City, San Luis, Sto. Tomas at San Jose.

Hindi naman tinukoy ni Go kung sa Office of the President kukunin ang pondo.

Read more...