Gamboa, pormal nang nanungkulan bilang bagong PNP chief

Photo grab from PNP’s Facebook live

Pormal nang nanungkulan si Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos ang isinagawang Reading of Orders and Assumption of Office sa PNP General Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Nakatakdang matanggap ng opisyal ang four-star na ranggo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa idaraos na seremonya sa Batangas.

Si Gamboa ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class of 1986.

Matatandaang naunang nagsilbi si Gamboa bilang officer-in-charge (OIC) makaraang magretiro si dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde.

Si Gamboa ang ika-23 hepe ng pambansang pulisya.

Read more...