Binuksan ang dalawang mobile hospital para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Gov. Dodo Mandanas, inilagay ang dalawang mobile hospital ng Department of Health (DOH) sa Polytechnic University of the Philippines o PUP campus sa Sto. Tomas at Barangay Caloocan, Balayan.
Kabilang sa mga maaaring isagawa sa dalawang mobile hospital ay minor surgeries gaya ng caesarian section, appendectomy at normal birth delivery.
Maliban dito, nagtalaga rin ng 17 medical teams sa mga munisipalidad para matutukan ang pangangailangan ng evacuees.
Nagsasagawa na rin ng mga mental health at psychosocial support sa evacuees na dumaranas ng panic at emotional conditions dahil sa pagputok ng bulkan.
Sa kasalukuyan, pawang iritasyon sa mata at upper respiratory infections ang sakit ng mga evacuee.
Nakapagtala naman ng kaso ng diarrhea ang Batangas PDRRMO sa mga evacuation center ng Bauan Technical High School, Malvar Cultural Gym at Banay-Banay San Jose.