Inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lokal na opisyal sa Tagaytay City na pagbawalan na muna ang mga negosyante na magbukas ng kanilang mga negosyo.
Sa ‘Laging Handa Press Briefing’ sa Malakanyang, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na hindi pa kasi tuluyang kumakalma ang Bulkang Taal.
Katunayan, base aniya sa monitoring ng Phivolcs, may mga ipinakikita pang aktibididad sa ilalim ng Bulkang Taal na maaaring humantong sa ganap na pagsabog nito.
Ayon kay Densing, kung hindi susunod ang mga negosyante, may kapangyarihan ang mga mayor na ipasara ang kanilang negosyo o kanselahin ang kanilang permit to operate.
“If they do not follow the mayor, the mayor can close them down. They can cancel their mayor’s permit or operating permit. On our side sa DILG, we can send the Philippine National Police to close them down,” ani Densing.
Ayon kay Densing, noon pang January 13 ipinalabas ang memo.
Una nang hinikayat ng mayor ng Tagaytay ang paghimok sa mga negosyante na magbalik na sa operasyon para maibalik na rin ang normalidad sa lugar matapos ang pag-aaboroto ng Bulkang Taal.
Narito ang ulat ni Chona Yu: