2 akusado sa Maguindanao massacre case pinalilipat na sa Camp Bagong Diwa

Ipinag-utos ni Quezon City RTC branch 221 presiding judge Jocelyn Solis-Reyes na ilipat sa Camp Bagong Diwa ang dalawang akusado sa Maguindanao massacre na naaresto kamakailan.

Sa commitment order ng hukom, ipinalilipat sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa mula sa Parang Municipal Police Station sina kagi Faizal Alyas Faizal Baga Dimaukom at Gambayan Kasim Slyas Lori Alip.

Nadakip si Faizal noong Enero 6 habang si Alip ay noong Enero 9.

Kaugnay nito, itinakda ng judge ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa dalawa para sa kasong multiple murder sa Enero 21 sa ganap na alas 9:00 ng umaga.

Nang ibaba ang hatol laban sa mga akusado sa Maguindanao massacre case noong Disyembre ng nakaraang taon ay kabuuang 80 pang suspek ang at large.

Read more...