Bus nagliyab sa EDSA Quezon City

Isang pampasaherong bus ang nagliyab habang binabaybay ang EDSA-P. Tuazon sa Quezon City.

Ayon sa MMDA, nasa soutbound lane ng EDSA-P.Tuazon ang bus nang ito ay magliyab.

Sinabi ng MMDA na pasado alas 10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Isang linya sa EDSA-P. Tuazon Southbound ang naokupahan ng bus kaya nagdulot ito ng pagbagal sa daloy ng traffic.

Agad namang naapula ang apoy at walang nasaktan sa insidente.

Read more...