Water level ng Angat dam bumaba na muli sa 203-meter level
By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 09:23 AM
Nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa update ng PAGASA Hydorlogy, nasa 203.81 meters na lang ang antas ng tubig ng Angat dam, umaga ng Lunes, Jan. 20.
Nadagdagan naman ng bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 77.78 meters.
Ang Water level naman ng Ipo dam ay nasa 101.09 meters.
Habang nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, at Caliraya dams.
Nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.