Prince Harry at Meghan Markle, sinimulan na ang buhay bilang mga ordinaryong mamamayan

Nagsimula na ang bagong buhay sa mag-asawang sina Prince Harry at Meghan Markle.

Ito ay makaraang magpasya ang dalawa na iwan ang papel bilang senior members ng Royal family.

Sa pag-alis sa Buckingham Palace ay nawala na ang kaparatan ng mag-asawa na matawag bilang “his and her royal highness”.

Inalis din ang military titles at patronages na dating nai-award kay Harry.

sa kaniyang unang public appearance matapos iwan ang palasyo, sinabi ni Harry na hindi naging madali ang kanilang pasya.

Ilang buwan aniya nila itong pinag-isipan at pinag-usapan.

Read more...