Umiiral ang tail end of a cold front sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na nakakaapekto ito sa Southern Luzon at ilang parte ng Visayas.
Bunsod nito, makararanas aniya ang Bicol region, Marinduque, Mindoro provinces ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, at pulu-pulong pagkidlat at pagkulog.
Samantala, patuloy pa ring nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, sinabi ni Rojas na iiral ang maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora, Cagayan Valley, Calabarzon, mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal at Metro Manila.
Wala naman aniyang inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon o bagyo sa bansa sa papasok na linggo.