Sa Taal volcano eruption update bandang 6:00 ng gabi, sinabi ng Phivolcs na naitala ito mula 5:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Sinabi pa ng ahensya na ang intense seismic activity ay nagpapahiwatig ng patuloy na magmatic intrusion sa Bulkang Taal na maaaring magpalawig ng eruptive activity nito.
Samantala, umabot sa 300 hanggang 500 metro ang taas ng ibinubugang abo ng bulkan.
Nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang bulkan.
Bunsod nito, asahan pa rin ang posibleng hazardous explosive eruption sa mga susunod na oras o araw.
Patuloy pa ring inirerekomenda ng Phivolcs ang total evacuation sa Taal Volcano Island at high-risk areas sa pasok sa 14-kilometer radius mula sa Taal Main Crater at sa bahagi ng Pansipit River Valley kung saan makikita ang fissures o bitak sa lupa.