P714,000 halaga ng shabu, nasabat sa Dumaguete City; Drug suspect, timbog

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Dumaguete City, Negros Oriental Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Candau-ay bandang 8:40 ng gabi.

Naaresto sa operasyon ang drug suspect na si Edwin JJ Zamora Catada Jr. alyas Jake, 38-anyos.

Nakuha kay Catada ang 26 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 105 gramo.

Nagkakahalaga ang kontrabando ng P714,000.

Maliban dito, nakuha rin kay Catada ang ginamit na buy-bust money, isang cell phone at isang itim na sling bag.

Mahaharap si Catada sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...