Higit P1 rollback sa diesel, kerosene ipatutupad sa susunod na linggo

Magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell, Seaoil at Cleanfuel, may kaltas na P1.70 sa kada litro ng kanilang diesel.

Mababawasan naman ng P1.65 ang bawat litro ng kerosene o gaas ng Shell at Seaoil.

Samantala, nasa P0.90 ang tapyas sa gasolina ng Cleanfuel at Seaoil habang P0.85 naman sa Shell.

Buena manong magpapatupad ng oil price rollback sa Cleanfuel sa araw ng Linggo, January 19, simula 4:01 ng hapon.

Epektibo naman ang oil price adjustment ng Seaoil sa Lunes, January 20, bandang 6:00 ng umaga habang ang Shell naman ay sa Martes, January 21, dakong 6:00 ng hapon.

Inaasahang mag-aanunsiyo rin ang iba pang kumpanya ng langis ng ipatutupad na oil price adjustment para sa susunod na linggo.

Read more...