Namataan ang ilang fissures o bitak sa lupa sa ilang bayan ng Batangas, araw ng Sabado.
Ito ay bunsod pa rin ng eruptive activity ng Bulkang Taal.
Batay sa mga larawan ng Phivolcs, mayroong mga bitak ng lupa sa bayan ng Agoncillo, Lemery, Talisay at Taal.
Sa Talisay, nakita ang mga bitak sa bahagi ng Barangay Tranca at Poblacion.
Sa Agoncillo naman, mayroon ding verticial displacement na may habang 30 hanggang 40 centimeters sa Barangay Bilibinwang.
Apektado din ang Lemery-Taal Diversion sa bahgai ng Barangay Laguile sa Taal.
Sa Lemery naman, may namataan ding mga bitak ng lupa sa Barangay Dayapan, Sinisian East at Sambal Ibaba.
Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
MOST READ
LATEST STORIES