Ang mga pamilya ay kinupkop sa Splendido Taal Country Club, na ginawa ng evacuation center.
Pinamunuan ng Taguig City Health Office ang medical mission at nagtayo rin ng onsite pharmacy para sa pagbibigay ng mga kinakailangang gamot sa higit 500 evacuees.
Para naman makapagbigay ng kasiyahan sa mga bata, nagkaroon ng magic and puppet shows gayundin ng parlor games na lubos na ikinasaya maging ng mga magulang.
Kasunod nito, namahagi ang mga kawani ng lungsod ng food packs, bottled water, hygiene kits, kumot at N95 masks.
Nakatanggap din ang bawat pamilya ng water jug at mga pakete ng sodium hypochlorite para sa pag-purify ng tubig.
Noong Martes, kabilang ang Taguig City sa mga agad na nagpaabot ng saklolo sa Taal evacuees sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan nina Sen. Pia Cayetano, House Speaker Alan Peter Cayetano at Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano.