PNP mananatiling committed sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Gamboa

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang paghirang ni Pagulong Rodrigo Duterte kay Police Lt. Gen. Archie Gamboa bilang regular PNP chief.

Sa inilabas na statement ng PNP public Information Office (PIO), mananatiling committed ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra krimen, ilegal na droga at korapsyon.

Tiniyak din na gagawin ng PNP ang mga mandato nang patuloy na sumusunod sa rule of law at inirerespeto ang karapatang pantao.

Itutuloy din ang internal cleansing sa hanap ng pambansang pulisya hanggang sa maibalik ng tuluyan ang tiwala ng publiko sa pambansang pulisya.

Read more...