LOOK: Celebrities tuloy ang pagtulong at pagpapasaya sa evacuees sa Batangas

Tuluy-tuloy ang dating ng mga celebrity sa mga evacuation center sa Batangas.

Sa post ng Public Information Office ng Provincial Government ng Batangas, nagpapasalamat ito sa lahat ng tumutulong kasama na ang mga artista.

Maliban kasi sa dalang tulong, nakadaragdag sa saya ng mga evacuees kapag may dumarating na celebrities.

Ayon sa Batangas PIO, kabilang sa mga nagtungo sa evacuation centers sina Piolo Pascual, Ryan Agoncillo, Geraldo Anderson, Carlo Aquino, Dingdong at Rocco Nacino.

Nauna na ring nagtungo sa evacuation center sina Matteo Guidicelli, Jason Gainza at Karla Estrada.

 

Read more...