BREAKING: Lt. Gen. Archie Gamboa hinirang ni Pangulong Duterte bilang PNP chief

Si Pol. Lt. Gen. Archie Gamboa na ang itinalaga ni Pang. Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pangulo mula sa pagiging acting PNP chief ay hinihirang na niyang regular PNP chief si Gamboa.

Ginawa ng pangulo ang anunsyo sa kaniyang talumpati sa The Fraternal Order of Eagles sa Davao City.

Ayon sa pangulo, mahaba-habang pakikipag-usap ang kanilangan niya kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at kay Gamboa.

Sinabi ng pangulo na nakita naman niya ang sinseridad ni Gamboa at nais niyang mag-iwan ito ng magandang ala-ala sa PNP.

Read more...