Globe at Smart magpapatay ng signal para sa 455th Fiesta Señor at Sinulog Festival 2020 sa Cebu

Puputulin ng Globe at Smart ang network signal nito sa Cebu City simula bukas, January 18.

Ito ay bilang pagtugon sa utos ng National Telecommunication Commission (NTC) para sa mga aktibidad sa 455th Fiesta Señor at Sinulog Festival 2020 na gaganapin bukas at sa Linggo.

Ayon sa abiso ng Globe, magsisimula ang pagpatay ng signal alas 4:00 ng madaling araw bukas.

Maaga pa lang kasi ay gaganapin na ang fluvial procession ng imahe ng Señor Santo Niñ sa Mactan Channel.

Inaasahang magtutuloy-tuloy na ang pagpatay ng signal hanggang sa Linggo para sa Sinulog Festival grand parade.

Una nang naghayag ng kaparehong abiso ang Smart.

 

Read more...