LOOK: Systems maintenance ng BPI na nakatakda dapat bukas, ipinagpaliban

Hindi matutuloy ang systems maintenance ng Bank of the Philippine Islands na nauna nitong itinakda bukas, Jan. 18 at sa Linggo Jan. 19.

Sa abiso ng BPI, nagpasya itong iurong sa February 22, 2020 araw ng Sabado ang pagsasagawa ng systems maintenance.

Dahil dito, maaring patuloy na magamit ng mga customer ng BPI ang serbisyo ng bangko ngayong weekend.

Kabilang dito ang mga transakyon sa ATM, online at mobile app.

 

Read more...