Mga Pinoy pinaalalahanan sa limitasyon ng e-Visa sa Russia

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino hinggil sa limitasyon ng e-Visa ng Russia.

Sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow, nanawagan ang DFA sa mga Pinoy na nais bumisita sa Russia gamit ang e-Visa na dapat sundin ang mga limitasyon nito.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Para sa mga Filipino, ang e-Visa ay para lamang sa Kaliningrad Administrative Region (Oblast), St. Petersburg, at Leningrad
– Habang nasa nabanggit na mga lugar ay hindi maaaring lumabas at pumunta sa ibang bahagi ng Russia

Limitasyon sa Pagpasok at Paglabas:
– Kung saang paliparan o daungan o hangganan ng teritoryo ng Russia pumasok (halimbawa, ang Pulkovo Airport sa St. Petersburg), dito rin dapat lumabas ng bansa
– Para sa mga sasakay ng eroplano, dapat lang na ang flight na kunin ay international at walang “domestic connecting flight” sa ibang lugar sa Russia. Sa paggamit ng e-visa sa St. Petersburg, halimbawa, bawal kumuha ng flight na dadaan muna sa Moscow bago makarating ng St. Petersburg.
– At sa paglabas naman, bawal din na kumuha ng flight na pagkaalis sa St. Petersburg ay dadaan muna ng Moscow o sa ibang lugar sa Russia bago tuluyang makaalis sa teritoryo ng bansa.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na bisitahin ang visa calculator sa https://evisa.kdmid.ru para malaman ang limitasyon sa bilang ng araw ng kailangang umalis bago matapos ang walong araw.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa sumusunod na link:

https://www.moscowpe.dfa.gov.ph
https://www.facebook.com/PHLinRussia
https://twitter.com/phlinrussia

Read more...