Tinaguriang ‘Marawi Hero’ hinirang na bagong commander ng 1st Infantry Division ng Phil. Army

Hinirang na bagong commander ng 1st Infantry Division ng Philippine Army ang military officer na malaki ang ginampanang papel para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng Islamic State-linked Maute Terror Group noong 2017.

Bilang bagong commander ng 1st ID ng PA, sakop ni Brigadier General Generoso Ponio ang Zamboanga Peninsula at Lanao provinces.

Pormal na nag-assume sa pwesto si Ponio araw ng Biyernes sa Camp Major Cesar Sang-an sa Labangan, Lanao del Sur.

Si Ponio na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1988 ang pumalit kay Major General Roberto Ancan na napromote naman bilang commander ng Central Command na naka-base sa Cebu City.

Sa turnover binanggit ni Lieutenant General Gilbert I. Gapay, Army commanding general ang ginampanang papel ni Ponio para sa liberation ng Marawi City.

Read more...