‘Tala’ ni Sarah G. nakapasok sa Billboard World Chart

Hindi lang dito sa Pilipinas kundi pang world class na ang kasikatan ng kantang “Tala” ni Sarah Geronimo.

Ito ay makaraang makapasok sa Billboard World Digital Sales chart ang kanta ni Sarah G para sa linggong ito.

Ayon sa Official Twitter account ng Billboard Charts, nasa number 12 ang kantang “Tala”.

Ang World Digital Song Sales chart ay naglalabas ng ranking ng best-selling international singles.

Apat na taon matapos i-release ang kantang “Tala” sumikat ito ng husto at viral sa social media ang Tala Dance Craze.

Read more...