Early registration para sa SY 2020-2021 sisimulan ng DepEd sa February 1

Sa February 1, 2020 na sisimulan ng Department of Education (DepEd) ang early registration para sa School Year 2020-2021.

Base sa orihinal na schedule ay January 25 dapat ang umpisa ng early registration pero ang naturang petsa ay holiday para sa Chinese New Year.

Ayon sa DepEd ang early registration para sa mga bagong estudyante sa Kinder, Grades 1, 7, at 11 sa public elementary at secondary schools ay tatagal hanggang sa March 6, 2020.

Paalala ng DepEd para sa mga Kindergarten, dapat ay 5 taon ang edad ng bata bago o pagsapit ng August 31, 2020 para makapagparehistro.

Pinaalalahanan din ang mga magulang ng mga bata na papasok sa Kindergarten at Grade 1 na kailangang magsumite ng Philippine Statistics Authority (PSA) o National Statistics Authority (NSO) birth certificate.

Kung walang NSO ay maaring magsumite ng Local Civil Registrar (LCR) birth certificate, baptismal, o barangay certificate.

 

Read more...