South Korea nag-donate ng $200,000 sa mga nasalanta ng Bulkang Taal

Nabigay ng $200,000 na tulong ang South Korea para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa larawang ibinahagi ni Senator Richard Gordon, si Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man ang nag-abot ng tulong sa Philippine Red Cross.

Nagpasalamat si Gordon sa ambassador na aniya ay laging mabilis na tumutugon at tumutulong kapag nangangailangan ang mga mamamayan ng Pilipinas.

Pagtitiyak ni Gordon sa opisyal makararating ang tulong sa mga pinakaapektadong komunidad na nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano lalo na ang nasa mga malalayong lugar.

Dahil aniya sa donasyon ng South Korea makabibili ang Red Cross ng mas marami pang hygiene kits, food at non-food items, sleeping kits, potable water, portalets, at iba pang kailangang tulong ng mga apektadong pamilya.

 

Read more...