Dindong Dantes at Rocco Nacino namahagi ng relief goods sa Batangas

Nagtungo sa Balayan, Batangas sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino para mamigay ng relief goods sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa video na ibinahagi ni Dingong sa kaniyang Facebook page kapwa sila nakasuot ng military uniform ni Nacino.

Nagpost din ng larawan si Dingdong sa kaniyang Instagram Story kasama si Rocco na may nakasulat na “Some real life work with my fellow reservist”.

Ang dalawa ay kapwa gumaganap na sundalo sa “The Descendants of the Sun” sa GMA.

 

Read more...