Google lumikha ng consolidated map ng mga evacuation center para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal

Isang consolidated map ang nilikha ng Google Philippines na nagpapakita ng lugar na kinaroroonan ng mga evacuation center para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Google ang source ng mga lugar ng evacuation center ay ang Batangas Public Information Office.

Para mahanap ang map, magtungo lamang sa google.com

At pagkatapos ay i-click ang “Evacuation centers for the Taal eruption”

Ayon sa Google, magagamit ito hindi lamang ng mga evacuee kundi maging ng mga nagbibigay ng tulong.

Read more...