Eminem naglabas ng bagong album

Sinorpresa ng rapper na si Eminem ang mga fans nang ianunsyo nito ang paglalabas niya ng bagong album.

Ito ay makalipas ang dalawang taon mula nang ilabas ni Eminem ang kaniyang huling album na may titulong “Kamikaze.”

Ang bagong album ni Eminem ay may titulong “Music To Be Murdered By” at mayroong 20 tracks.

Kasabay nito ay inilabas din ni Eminem ang music video para sa single na “Darkness”.

Nakasama ni Eminem sa kaniyang mga bagong kanta sina Ed Sheeran para sa kantang “Those Kinda Nights,” Juice WRLD sa kantang “Godzilla,” at Skylar Grey sa kantang “Leaving Heaven.”

 

Read more...