Pagpapataw ng entrance fee sa man-made forest sa Bohol sinuspinde muna ng DENR

Sinuspinde na muna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapatupad ng entrance fee sa dinarayong man-made forest sa Bohol.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Charlie Fabre, naglabas na siya ng kautusan para pansamantalang ihinto ang pagpapataw ng collection fee.

Sinabi ni Fabre na makikipagpulong din siya sa mga opisyal ng Bohol Provincial Government, stakeholders, tourism industry, kabilang ang mga tour operator at guide.

Ayon kay Fabre, ilalahad niya sa Protective Area Management Board ang mga komento at suhestyon hinggil sa isyu.

Maari aniyang tumagal ng dalawang buwan ang pansamantalang paghinto sa pagpapatupad ng collection fee.

Una nang sinabi ng Provincial Environment and Natural Resources na magpapatupad ito ng entrance fee sa man-made forest na P30 para sa mga Pinoy na turista, P100 para sa dayuhan at P15 para sa estudyante.

Libre naman ang entrance fee para sa Persons with disabilities, senior citizens, at mga bata na edad 7 pababa.

Read more...