Mga bayan na nagpatupad ng lockdown sa Batangas umabot na sa 14

Nadagdagan pa ang bilang ng mga bayan sa Batangas na nagpapatupad ng lockdown.

Ayon kay Batangas Disaster Risk Reduction and Management Office head Lito Castro, tuluyan nang ipinatupad ang lockdown sa mga bayan o lungsod na sakop ng 14-kilometer radius danger zone.

Kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng lockdown dahil sa lantad ito sa ballistic projectiles, base surges at volcanic tsunami ang mga sumusunod:

Agoncillo
Alitagtag
Balete
Cuenca
Laurel
Lemery
Malvar
San Nicolas
Santa Teresita
Taal
Talisay
Bahagi ng Lipa
Bahagi ng Mataas na Kahoy
Bahagi ng Tanauan

 

Read more...