2 patay sa banggaan ng jeep at truck sa NLEX

Patay ang dalawang katao sa aksidente na naganap sa North Luzon Expressway sa Barangay Tabuyuc, Apalit, Pampanga.

Ayon kay Apalit town police chief Lt. Col. Elmer Decena ang isa sa mga nasawi ay nakilalang si Adel Guico, 42 anyos na driver ng jeep.

Ang isa pang nasawi ay pasahero ng jeep na hindi pa nakikilala.

Ayon kay Decena, binabaybay ng delivery truck na isang Isuzu Wing Van ang northbound lane ng NLEX nang bigla itong huminto sa gilid ng kalsada.

Hindi naman napansin ng paparating na jeep ang nakahintong truck kaya nabangga ito.

Hindi naman nasaktan ang driver ng truck na si Joel Reyes Bueno.

Sugatan naman ang kasama ni Decena na si Mark Anthony Ramat at dinala sa ospital sa San Fernando City.

Read more...