Halaga ng tulong na naipagkaloob sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal umabot na sa P6.33M

Umabot na sa P6.33 million ang halaga ng tulong na naiabot ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) karamihan sa naibigay na tulong ay family food packs na umabot sa P5.56 million ang halaga.

As of 6AM ng umaga ng Biyernes mahigit 16,000 na family food packs na ang naipamahagi, mahigit 6,000 ready-to-eat foods at 3,580 na sleeping mats.

Ayon sa DSWD, mayroong kabuuang P8.67 million na halaga ng family food packs ang nakahanda para maipamahagi sa mga apektadong pamilya.

 

Read more...