Mahigit 73,000 na katao nananatili sa evacuation centers dahil sa pagputok ng Bukang Taal

Mahigit 73,000 na katao pa ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Sa Relief Operations Update na inilabas ng Department of Social Welfare and Development, ang 18,167 na pamilya o 73,980 na indibidwal ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.

Mayroon ding 8,134 na pamilya na lumikas at pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng DSWD sa mga evacuees sa 298 na evacuation center na tinutuluyan ng mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

 

Read more...