Ayon sa PAL, sa naturang pekeng ads na kumakalat online hinihimok ang netizens na sagutin ang ilang katanungan at ang kapalit nito ay maari umano silang manalo ng plane tickets.
Ang bogus na ads ay gumagamit ng PAL logo at may nakasaad na “Home in the Sky”.
Umapela sa publiko ang PAL na huwag buksan ang site dahil maari pang makompromiso dito ang personal nilang mga impormasyon.
Sa ginawang imbestigasyon ng Information Systems Department ng PAL ay natukasang isang “phishing site” ang ipinakakalat at layong kunin ang personal information ng isang indibidwal.
Dagdag pa ng PAL kanilang logo ay ay may tagline na “Heart of the Filipino” at lahat ng official advertisements ay inilalagay lamang sa www.philippineairlines.com at sa PAL Facebook Page.