Ito ay makaraang ilabas ng Department of Justice ang resolusyon na nagsusulong sa korte ng kasong graft laban sa kaniya hinggil sa anti-drugs operation sa Pampanga noong 2013.
Ayon kay Albayalde, “welcome development” ito para sa kaniya dahil magagawa na niyang idipensa ang sarili sa tamang forum.
Iginiit ni Albayalde na malinis ang kaniyang kunsensya at kumpiyansa siyang lalabas ang totoo.
Sa resolusyon ng DOJ, nakitaan ng sapat na batayan para kasuhan ng graft si Albayalde dahil bigo itong ipatupad ang kautusan na nagpapataw ng parusa laban sa mga tauhan niyang nasangkot sa kwestyunableng drug raid.
MOST READ
LATEST STORIES