Water level ng Angat dam muling nabawasan sa nakalipas na magdamag
Nabawasan pa ang water level ng Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Jan. 17) nasa 204.03 meters ang water level ng Angat dam.
Bahagya lang ang naging bawas nito kumpara sa water level nito kahapon na 204.09 meters.
Wala namang pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 101.10 meters.
Habang ang La Mesa dam ay bahagyang nadagdagan at nasa 77.90 meters.
Nabawasan din ang water level ng Binga, san Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
At walang pagbabago sa water level ng Ambuklao dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.