Mas marami pang bayan at lungsod sa Batangas narating na ng tulong ng pamahalaan

Umabot na sa P4.11 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa DSWD, halos 11,000 na family food packs na may lamang bigas, de lata, kape at noodles ang naipamahagi, 6,060 na read-to-eat food at 3,580 na plastic mats.

Ang mga ito ay naipamigay sa mga evacuation centers sa sumusunod na mga bayan at lungsod sa Batangas:

– Sto. Tomas City
– Laurel
– Tanauan City
– Mataas na Kahoy
– Batangas City
– Balayan
– Cuenca
– Bauan
– Lipa City
– San Luis

At sa bayan ng Alfonso sa Cavite.

Read more...