Ayon kay Salceda, kulang ang P16 bilyong inilaang budget para sa disaster fund sa 2020 General Appropriations Act.
Kailangan anya na magpasa ng supplemental budget lalo na kung pangkabuuan ang gagawing rehabilitasyon sa mga bayan na apektado ng Bulkang Taal.
Sa kanyang pagtaya, mangangailangan ng P12 bilyong pondo para sa recovery at reconstruction ng mga apektadong lugar sa dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Paliwanag ni Salceda, dapat ay nasa P20 bilyon ang orihinal na disaster relief fund pero binawasan nila ito sa taong 2020 dahil hindi naman nagagamit o mabagal ang utilization.