Kaso ng polio sa bansa, umabot na sa 16 – DOH

Pumalo na sa 16 ang kabuuang bilang ng kaso ng polio sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ng kagawaran na nagkaroon ng panibagong kaso ng polio sa Quezon City, Sultan Kudarat at Maguindanao.

May edad na tatlong taong gulang na lalaki ang kaso sa Quezon City habang dalawang taong gulang na lalaki naman sa Sultan Kudarat.

Maliban dito, dalawa pang polio cases ang naitala sa Maguindanao.

Kasunod nito, sa inilabas na pahayag, muling hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang ng mga batang may edad limang taon pababa na makiisa sa Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) campaign para mabigyan ng bakuna.

Nagsimula ang polio outbreak sa bansa noong September 2019.

Read more...