Paggawa ng plano na mangangasiwa sa pagbangon ng Batangas, inirekomenda ni Rep. Salceda

Inirekomenda ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda sa liderato ng Kamara ang pagbuo ng Taal Eruption Recovery Rehabilitation and Adaptation Plan o TERRA.

Sa kanyang liham kay Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, sinabi ni Salceda na ang plano ay dapat na nakabase sa principle ng “building back better forward” na magbibigay daan upang makabangon ang lalawigan ng Batangas.

Sa nasabing plano, hindi lamang rehabilitasyon ang gagawin kundi dapat ding maibalik ang economic growth ng Batangas.

Sa ilalim ng nais mangyari ni Salcdeda, magkakaroon ng reconstruction commission na siyang magpapatupad ng TERRA

Posible, ayon sa mambabatas, na abutin ng P60 bilyon hanggang P100 bilyon ang gagastusin upang maisakatuparan ang kanyang plano.

Read more...