Konstruksyon ng MRT-7, 50.69 percent nang kumpleto

Mahigit kalahati na ang progreso ng kontstuksyon ng MRT-7.

Ayon sa update mula sa Department of Transportation (DOTr), 50.69 percent nang kumpleto ang itinatayong MRT-7.

Sa ngayon ayon sa DOTr, full blast ang pagtatayo sa siyam na istasyon ng linya ng tren.

Nagpapatuloy din ang pagkakabit sa riles.

Ang MRT-7 ay babaybay mula North Avenue hanggang sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Inaasahang aabot sa 300,000 hanggang 850,000 na pasahero ang maseserbisyuhan nito sa sandaling maging operational na.

Read more...