2 kabilang ang isang Barangay Tanod arestado matapos mahulihan ng droga sa Pasay

Arestado ang isang lalaki na tulak umano ng droga matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay 45 sa Pasay
City, gabi ng Miyerkules (January 15).

Naaresto ang barangay tanod na si Quirino Magbanua, 59 taong gulang na isang tulak umano ng droga.

Nakumpiska sa coin purse ni Magbanua ang ibang mga sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P40,000.

Ayon kay Police Capt. Deni Mari Pedrozo ng Pasay Police Station-Drug Enforcement Unit, bago nila maaresto ang tanod
ay unang naaresto ang isang 18 anyos na lalaki matapos itong tumakbo at mahulihan ng isang sachet ng hinihinalang
shabu na binili lamang niya umano sa halagang P200 para sa kanyang kaibigan bago nito itinuro ang suspek na tanod.

Ayon pa kay Police Capt. Pedrozo, may mga natanggap sila umanong sumbong na may mga illegal na aktibidad sa lugar
kaya’t nagsagawa sila ng surveillance sa lugar.

Aalisin na ng barangay si Magbanua bilang tanod sa katapusan ng Enero dahil nagpositibo ito sa drug test noong 2019 pero binigyan pa ng pagkakataon para magbagong buhay ngunit muling nagpositibo ngayong buwan.

Read more...