3 kabilang ang top 4 sa drug watchlist arestado sa buy-bust sa Caloocan

Timbog ang 3 katao sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) sa Dagat-dagatan sa Caloocan City, madaling araw ng Huwebes (January 16).

Kabilang sa mga naaresto ay ang top 4 sa drug watchlist ng NPD at dalawa pang kasamahan nito.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr. ng NPD, nakumpiska sa mga suspek ang 9 medium-sized sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 30 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P200,000, 7 piraso ng ectasy capsule.

Nakumpiska rin ang isang caliber 45 na baril na kargado ng mga bala sa mga suspek.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...