3 sugatan sa aksidente sa Katipunan F/O sa QC

Sugatan ang tatlong sakay ng isang kotse sa aksidente na naganap sa Katipunan Flyover sa Quezon City.

Ayon sa MMDA Metrobase, nangyari ang aksidente pasado alas6:00 ng umaga ng Huwebes (Jan. 16).

Isang humaharurot na kotse ang bumangga sa likurang bahagi ng delivery van habang binabaybay ang Katipunan F/O Southbound.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay napunta sa kabilang bahagi ng kalsada (Katipunan F/O Northbound) ang delivery van.

Sugatan sa aksidente ang tatlong sakay ng kotse.

Habang ang nakatagilid na delivery van ay nakahambalang pa sa Katipunan F/O Northbound.

Read more...