Eroplano ng Cebu Pacific na patungong Dubai na-divert sa India dahil sa medical emergency ng isang pasahero

Isang flight ng Cebu Pacific mula Manila patungong Dubai ang na-divert sa India Miyerkules (Jan. 15) ng gabi.

Ayon sa inilabas na abiso ng Cebu Pacific bago 10:20 ng gabi, kinailangang i-divert sa Kolkata Airport sa India ang eroplano dahil isang pasahero nito ang nagkaroon ng medical emergency.

Paglapag sa naturang paliparan sa India ay agad dinala sa pinakamalapit na ospital ang pasahero.

Ang eroplano naman ay agad ding nakaalis ng India patungo ng Dubai matapos mag-refuel. (END.DD)

Read more...