Amihan maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa Luzon

Wala nang binabantayang Low Pressure Area ang PAGASA sa loob ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang northeast monsoon o amihan ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa Luzon at ang tail-end of cold front na nakaaapekto sa Bicol Region at sa Eastern Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa amihan, makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at sa ilang bahagi ng Bicol Region.

Maulap na papawirin din na may isolated n apag-ulan ang mararanasan sa Batangas at Cavite.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon, makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan.

Sa Sorsogon, Masbate at Samar Provinces, maulap na papawirin din ang iiral na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa tail-end ng cold front.

Read more...