2 babaeng sakay ng motorsiklo patay sa aksidente sa Maynila

Dead on the spot ang dalawang babae na sakay ng isang motorsiklo makaraang bumangga sa isang trailer truck sa Jose Abad Santos sa Tondo Maynila.

Binabaybay ng 14-wheeler na trailer truck ang kahabaan ng Jose Abad Santos nang biglang sumalpok dito ang motorsiklo pagsapit sa intersection ng Quiricada Street.

Kapwa lang helmet ang dalawang babae na kinilalang sina AC dela Cruz at Joyce Suñer.

Ayon sa mga nakasaksi, naka Go ang traffic light kaya tuluy-tuloy na tumawid sa intersection ang truck pero mabilis ang andar ng motorsiklo at tinawid pa rin ang kalsada.

Hawak naman na ng Manila Police ang driver ng trailer truck.

Read more...