Globe, maghahatid ng relief assistance sa mga apektado ng pagsabog ng Taal

Maghahatid ang Globe Telecom ng relief assistance sa mga apektadong residente ng nagpapatuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kumpanya na nakapagpadala na sila ng food packs sa Luksuhin Evacuation Center sa Alfonso, Cavite kung saan nasa 180 pamilya o mahigit 900 indibidwal ang nananatili.

Sa ngayon, inihahanda na anila ang iba pang ipapadalang tulong sa iba pang apektadong lugar.

Sinabi pa ng kumpanya na patuloy ang pagtatalaga ng Libreng Tawag at Charging stations sa Batangas at Cavite para mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magkaroon ng komunikasyon sa kani-kanilang kaanak at kaibigan.

Narito ang mga lugar na magkakaroon ng Libreng Tawag at Charging stations:

CAVITE:
Central School Poblacion sa Alfonso, Cavite
hanggang Jan. 16 mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon

Brgy. Kaybagal South Old Rehab Center sa Tagaytay City, Cavite
hanggang Jan. 16 mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon

Luksihin National HS, Brgy. Luksuhin sa Alfonso, Cavite
hanggang Jan. 16 mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon

Marahan Elementary School sa Alfonso, Cavite
hanggang Jan. 17 mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon

BATANGAS:
Sto. Tomas City Evacuation Center, Poblacion 3 sa Sto. Tomas, Batangas
hanggang Jan. 16 mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi

Batangas City Sports Complex sa Brgy. Bolbok, Batangas City
hanggang Jan. 18 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

Bauan Technical High School sa Poblacion, Bauan, Batangas
hanggang Jan. 18 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

Rafael M. Lojo Memorial School sa Brgy. Banay Banay, Lipa City
hanggang Jan. 18 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

Tanauan Batangas Evacuation Center sa Poblacion 3, Tanauan
hanggang Jan. 16 mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi

Sto. Tomas North Central School sa Poblacion 4, Sto. Tomas
hanggang Jan. 16 mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi

Asahan pa anilang madaragdagan ang mga Libreng Tawag at Charging centers sa mga apektadong lugar.

Read more...