Ipinatupad na ang mandatory evacuation sa bahagi ng Lemery, Batangas.
Matapos ang isinagawang pulong ng lokal na pamahalaan ng Lemery kasama ang first responders tulad ng pulis, sundalo, bumbero at iba pa, naglabas ng kautusan na kailangang lahat ay lilikas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Lemery Fire Marshall FSInsp. Von Nicasio, ililikas ang lahat ng residente sa nasabing bayan.
Pagkatapos nito ay lilikas na rin ang lahat ng responders sa lugar.
WATCH: Ang pahayag ni Lemery Fire Marshall FSInsp. Von Nicasio ukol sa mandatory evacuation ng lahat ng tao sa Lemery, Batangas | @escosio_jan pic.twitter.com/Z7m9lJ94MP
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 15, 2020
Mayroon din aniya silang sinusunod na standard operating procedure (SOP) kung kayat hihintayin aniya nila ang ibababang direktiba.
Dumating na rin ang karagdagang military trucks para sa paglikas ng mga naiwan pang tao sa lugar.
WATCH: Karagdagang military trucks dumating sa Lemery, Batangas para sa paglikas ng mga naiwan pang tao | @escosio_jan pic.twitter.com/rjvUEC582l
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 15, 2020